Bakit natin gusto maging CPA? Para makahanap ng magandang trabaho?, para makaipon ng pera?, para makapunta sa ibang bansa? Marahil ilan lang yan sa napakaraming dahilan kung bakit ka nag-rereview, nagsisikap, nagpupuyat, para maging CPA. Pero higit pa sa mga dahilang yan, anu pa ba ang nagbibigay sayo ng lakas at tibay ng loob para matupad mo ang pangarap mo?
… gusto ko maging CPA, para sa “tatay”, “daddy”, o “itay” ko, na magdamag nasa trabaho para makaipon ng maibibgay sa atin pan-enroll, baon, para mabili natin yung kailangan natin, mga simpleng bagay na kung titignan, hindi natin agad napansin na napakalaki na pala ng naiambag niya sa pagtupad ng mga pangarap mo. Kahit na gumawa ka ng financial statements, sigurado hindi mo na malalaman kung gaano na kalaki ang tulong na naibigay niya para sa atin.
… para kay itay na nasa ibang bansa, na piniling magtrabaho sa malayo sa kagustuhang magbigay ng dagdag ng pangangailangan sa atin, kahit na ang kapalit nun ay ilang taong pangungulila sa inyo. Sabi nga nila “dads may be seen as very tough guys” pero sa kabila ng lakas ng katawan at tibay ng loob, nagkukubli ang isang ama, na hangad ang katuparan ng pangarap mo.
… para kay “nanay”, “mommy” o “inay”, na walang sawang nag-alaga sayo, mula pa nung unang pagkakataong pumasok ka sa college, kinakabahan, hindi alam ang mga mangyayari, per binibigyan ka niya ng lakas ng loob para mapanatag ka. Si nanay na ipinagluluto ka, inaalagaan ka, binibigay sayo lahat ng kailangan mo, at pag pagod ka galing eskwela, siya ang una mong makikita na sasalubong sa’yo para kamustahin ka, at kapag nakakatulugan mo na ang pag-aaral, siya ang magkukumot sayo, aayusin ka sa pag-tulog at magliligpit ng mga gamit mo.
… para kay nanay, na kahit nasa ibang bansa, ay pinipiling manirahan dun para mabigyan ka ng sapat na pangangailangan, mahirap para sa isang ina na mahiwalay sa anak na nakita niyang lumaki, at unti-unting nilalakad ang kanyang mga pangarap. Si nanay na ang isang minutong tawag ay walang katumbas marinig lang ang boses mo,. malaman na ngayon, ilang hakbang ka na lang sa pinapangarap mong titulo.
… para kay “maam” at “sir” na unang nagbigay sayo ng kaalaman sa “Accountancy”, sila na naging pangalawang magulang mo na. Sila na nagiging barkada, kasama kapag may problema, siya na pinupuna ka pag may pagkakamali ka pero pinagmamalaki ka kapag nagtatagumpay ka, sila na nananabik na hintayin ka sa pag-balik mo at marinig mula sayo na “mam, sir, CPA na po ako.”
… sa kanilang lahat, gusto ko maging CPA kasi gusto kong ibalik sa kanila ang lahat ng sakripisyo ng gianwa nila para sakin. Para sa kanila, walang katumbas ang pagkakataong malaman at makita ka nila na natupad mo na ang mga pangarap mo. Gusto kong ipakita na hindi sayang ang lahat ng ginawa nila para sa akin. Na mula sa maliliit na bagay, nabubuo ang mga malalaking pangarap, at sila ang nagbigay ng mga “maliliit na bagay” na unti-unting nagbigay at nagbuo ng “napakalaking” panagarap para sa’yo.
… para sa kanila, higit pa sa yaman at katanyagan, kaya nananatili akong malakas para matupad ang mga pangarap ko. You would never know how much it will mean to them to see your name in that list, having that three-letter title, CPA. That three letters represent their sacrifices and dreams for you, and now is the time, the right time, to give them that.
… kaya ikaw, bakit mo gusto maging CPA?
-by Jomi Blanco